Person of interest sa ‘vaccine slot for sale’ nagtatago na – DILG

By Jan Escosio May 25, 2021 - 07:49 PM

Kinumpirma ni Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya na may ‘person of interest’ na sa nabunyag na ‘vaccination slot for sale’.

Aniya, nagpapatuloy pa ang kanilang pag-iimbestiga sa modus bagamat nakilala na ng PNP ang naturang tao at alam na nila ang address nito bagamat nagtatago na rin ito.

“Hindi natin alam sa ngayon kung scam lang ba ito, na nagpapanggap lang na may koneksyon para makapanggantso or tunay nga na may koneksyon siya sa mga local government units,” sabi ng opisyal.

Dagdag pa niya, sa mga nakausap na nilang alkalde ng Metro Manila, itinanggi ng mga ito na may nabalitaan na silang ‘bakuna for sale’ sa kanilang nasasakupan.

Sabi niya, hihintayin nila ang maging resulta ng pag-iimbestiga ng PNP at NBI sa isyu.

Dagdag pa niya, ang sinasabing mga bakuna na iniaalok ay pag-aari ng gobyerno na ipinamahagi sa mga lokal na pamahalaan.

Paalala na lang din ni Malaya, wala pang indibiduwal o kompaniya ang pinapayagan na magbenta ng COVID-19 vaccines.

TAGS: Inquirer News, Jonathan Malaya, Radyo Inquirer news, vaccination slot for sale, vaccine for sale, Inquirer News, Jonathan Malaya, Radyo Inquirer news, vaccination slot for sale, vaccine for sale

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.