May namataang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa loob ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Grace Castañeda, nakapaloob ang LPA sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Huling namataan ang LPA sa layong 885 kilometers Silangan ng Mindanao bandang 3:00 ng hapon.
Maliit pa aniya ang tsansa na maging bagyo ang LPA sa susunod na 24 oras.
Samantala, patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang mahihinang pag-ulan, pagkulog, pagkidlat ang ITCZ sa Mindanao hanggang Martes ng gabi, May 25.
Sa bahagi naman ng Luzon at Visayas, magiging mainit at maalisangan pa rin ang panahon dulot ng Easterlies.
Ngunit, may posibilidad na makaranas ng pulo-pulong pag-ulan, lalo na sa hapon o gabi.
MOST READ
LATEST STORIES