Dalawang mall sa Valenzuela, city hall binigyan ng safety seal recognition

By Jan Escosio May 25, 2021 - 07:17 PM

Photo credit: @valenzuelacity/Twitter

Dahil sa pagsunod sa minimum public health protocols, binigyan ng Safety Seal certificates ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dalawang malls at ang city hall ng lungsod ng Valenzuela.

Bago ito, nagsagawa muna ng inspeksyon sina Trade Sec. Ramon Lopez at Interior and Local Government Usec. Jonathan Malaya sa One Mall, Valenzuela Town Center at City Hall.

Sinabi ni Lopez na bukod sa mga paalala sa pagsusuot ng mask at face shield at physical distancing, kinakailangan din na kontrolado ang bilang ng mga tao sa mga establisyemento, may mga body temperature check, alcohol area at proper ventilation.

Aniya, ang mga negosyo na mabibigyan ng safety seal certificate ay maaring madagdagan ng 10 porsiyento ang bilang ng mga tao na maaring papasukin, partikular na sa fastfood stores at restaurants.

Dagdag pa niya, makakatulong ang sertipikasyon para tumaas ang kumpiyansa ng mga kostumer o konsyumer, gayundin sa bahagi ng mga negosyante na palaging ipatupad ang minimum public health protocols.

Ayon naman kay Malaya, ang sertipikasyon ay may bisa ng anim na buwan at muli silang magsasagawa ng inspections at assessments.

Ngunit paglilinaw niya, ito ay maari din agad bawiin kapag may sumbong o reklamo ng mga paglabag at ang mga ito ay mapapatunayan sa ‘surprise inspection’ na gagawin.

Samantala, ang pamahalaang-lungsod ng Valenzuela naman ang kauna-unahang lokal na pamahalaan sa bansa ang nabigyan ng ‘safety seal certification.’

TAGS: COVID-19 response, DILG, dti, health protocols, Inquirer News, Radyo Inquirer news, safety seal, safety seal certificate, Valenzuela City, COVID-19 response, DILG, dti, health protocols, Inquirer News, Radyo Inquirer news, safety seal, safety seal certificate, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.