Dagupan City, Sangley Point nakapagatala ng 48 degrees Celsius na heat index

Patuloy na nakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang maraming lugar sa bansa sa araw ng Martes, May 25.

Sa datos ng PAGASA, umabot sa 48 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan at Sangley Point, Cavite bandang 2:00 ng hapon.

44 degrees Celsius naman ang heat index sa Ambulong, Batangas at Aparri, Cagayan dakong 2:00 ng hapon.

Nasa 43 degrees Celsius ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Clark Airport, Pampanga (2:00 ng hapon)
– Dipolog, Zamboanga del Norte (11:00 ng umaga)

42 degrees Celsius na heat index naman ang heat index sa:
– Casiguran, Aurora (11:00 ng umaga)
– NAIA Pasay City (3:00 ng hapon)

Naitala ang 41 degrees Celsius na heat index sa:
– Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City (2:00 ng hapon)
– El Salvador City, Misamis Oriental (2:00 ng hapon)
– Science Garden, Quezon City (2:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Cagayan (2:00 ng hapon)
– Zamboanga City, Zamboanga del Sur (11:00 ng umaga)

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...