Sen. Poe, pinamamadali ang vaccination rollout para marami ang magkatrabaho

By Jan Escosio May 25, 2021 - 05:49 PM

Naalarma si Senator Grace Poe sa ulat ng National Economic Development Authority (NEDA) na ang Pilipinas ang may pinakamataas na jobless rate sa Asya.

Kayat hinihikayat nito ang gobyerno na madaliin na ang pagpapabakuna sa mas maraming Filipino para marami na ang maaring magbalik sa trabaho.

“Jobs are best cure for poverty, just as jabs are our relief to the pandemic. In both situations, the urgency of the action is critical. We must take the fast action that will allow us to not just get through COVID-19, but more crucially, gain ground that will pave the way for our sustainable growth in the coming years,” sabi nito.

Banggit nito, bagamat bumaba na sa 7.1 porsyento ang jobless rate sa bansa noong Marso, ito pa rin ang pinakamataas sa mga bansa sa Asya.

Inamin na rin ng NEDA na malaking hamon na maibalik ang pre-pandemic unemployment rate na 5.3 porsyento noong January 2020.

Hiniling na rin ni Poe ang mga kinauukulang ahensiya na bilisan ang paggasta ng kanilang pondo para makatulong na rin sa paglikha ng mga trabaho at sa pagsigla muli ng ekonomiya.

TAGS: Inquirer News, neda, Radyo Inquirer news, sen grace poe, Inquirer News, neda, Radyo Inquirer news, sen grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.