Gender equality isusulong ni VP Binay

Binay campaign
Inquirer file photo

Nangako si United Nationalist Alliance (UNA) standard bearer Vice President Jejomar Binay na isusulong ang gender equality at mas maraming serbisyo sa mga kababaihan kasabay ng pagpirma nito ng covenant sa women’s groups sa Zamboanga City.

Tiniyak ni Binay na ang kababaihang Pilipino ay pangangalagaan at susuportahan ng administrasyong Binay.

“Kaya ho ako pumirma ng covenant, gagawin ko po ‘yan. Walang discrimination sa gender, pare-pareho po ng trato,” Ani Binay.

Ang covenant ay pinirmahan din ng mga kinatawan mula sa Yakan Women Weavers and Tetuan Women’s Federation and Women Officers of the Rural Improvement Club–Talabaan Chapter, Federacion del Barangay Kagawad de Zamboanga, at ng Zamboanga City Homeowners and People’s Organization Federation.

Kabilang sa mga programa na isusulong ng administrasyon ni Binay ang pagpapalawak ng health services para sa mga kababaihan kasama ang libreng prenatal checkups at pagtatayo ng mga centers for pregnant teenagers; pagpapalawak ng anti-violence against women laws; livelihood trainings; mas mahabang maternity leaves at proteksyon mula sa diskriminasyon sa mga trabaho.

“Bukal po sa puso ang aking sinasabi so pagpirma ko po doon, maniwala ho kayo, makatotohanan ang aking pagpirma dito sa kasunduang na ito,” pahayag ni Binay.

 

Read more...