Ad hoc committee para sa pensyon ng militar, binuo ng Kamara
Binuo ang isang “ad hoc committee” ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na may kaugnayan sa usapin ng pensyon ng mga military and uniformed personnel o MUP.
Si House Committee on Ways and Means chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang itinalagang chairman ng ad hoc committee habang vice chairman naman ay si House Appropriations Committee chairman Eric Go Yap.
Miyembro naman ng ad hoc committee sina:
– House Deputy Speaker Isidro Ungab
– House Committee on National Defense and Security chairman at Ilo-Ilo Rep. Raul Tupas
– House Committee on Government Enterprises and Priviatization chairman at Paranaque Rep. Eric Olivarez
– House Committee on Public Order and Safety chairman at Masbate Rep. Narciso Bravo
– Marikina Rep. Stella Quimbo.
Nauna nang inihain ni Salceda ang House Bill 9271 upang ayusin ang pension system para sa mga MUP.
Ayon kay Salceda, nagbabadya ang krisis sa sistema ng naturang pensyon ng mga MUP at iba pang nasa unipormadong serbisyo kung hindi magkakaroon ng agarang reporma.
Sinabi pa ni Salceda, sa kasalukuyan ay mayroong P9.6 trilyong “unfunded reserve deficit” ang MUP dahil wala umanong maayos na sistema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.