Mga Pinoy, hanga sa gawang stateside na bakuna kontra COVID-19
Naiintindihan ng Palasyo ng Malakanyang ang sentimyento ng taong bayan na mas gusto ang bakuna kontra COVID-19 na gawa ng stateside o Amerika.
Pahayag ito ng Palasyo matapos ang survey ng Social Weather Stations (SWS) na 63 porsyento sa mga Filipino ang mas pabor na gumamit ng US-manufactured vaccine gaya ng gawa ng PPfizer.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa kasaysayan na ng Pilipinas na hinahanggan ng mga Filipino ang stateside.
Pero ayon kay Roque, kahit na nakakuha na ang Pilipinas ng Pfizer, hindi pa ito sapat para sa nakararaming Filipino.
Paulit-ulit aniya ang panawagan ng Palasyo na tangkilikin ang ibang bakuna dahil epektibo rin naman ito kontra COVID-19.
“Well, naintindihan naman po natin ‘yan ‘no na talaga namang sa ating kasaysayan ay ang mga Pilipino ay mas humahanga sa mga stateside ‘no. Pero ang mensahe lang po natin, bagama’t mayroon na tayong kakaunting mga stateside na mga bakuna, hindi po iyan sapat para sa lahat. Kaya nga po ang panawagan namin eh meanwhile nandiyan na po iyong mas nakakahawa at mas nakakamatay na mga new variants. So bagama’t mayroon tayong preference sa stateside, unahin na muna po natin ang ating mga buhay, ang buhay ng ating pamilya, ang ating komunidad – magpabakuna na po kung ano available,” pahayag ni Roque.
Lumabas din naman kasi aniya sa survey na bukod sa gawang Amerika, tinatangkilik din naman ng mga Filipino ang ibang brand ng bakuna.
Malinaw aniya ang mensahe ng taong bayan na nais nilang magkaroon ng proteksyon ang kanilang mga sarili at ang kanilang pamilya.
“Well, doon naman po sa same survey, lumalabas din na ang pinaka-preferred ngayon ay iyong Chinese Sinovac Biotech. So I’m sure po na iyong mga gawa sa UK ay mataas din po ang preference nila, ang AstraZeneca po ay pumapangatlo at 22%, at iyong Johnson and Johnson ay pang-apat na 10% ‘no.So ang tingin ko, karamihan naman ng Pilipino ay nais bigyan ng proteksiyon ang sarili nila at ang pamilya nila at kukunin talaga kung ano iyong bakunang naririyan na,” pahayag ni Roque.
Mahigit pitong milyong doses na ng bakuna ang nakuha ng Pilipinas.
Kabilang na ang Sinovac mula China, Pfizer ng Amerika, AstraZeneca at Sputnik V ng Russia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.