Naitalang kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, lagpas 23,000 na; Isa pa ang nasawi

Nasa 170 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (May 25), 23,013 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,550 ang aktibo pang kaso.

99 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 21,399 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 64 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...