31 na Filipinong mangingisda, nasagip sa West Philippine Sea

By Chona Yu May 25, 2021 - 12:06 PM

(Philippine Navy photo)

Aabot sa 31 na Filipinong mangingisda ang na-rescue o nasagip sa karagatan malapit sa Nares Bank sa West Philippine Sea.

Ayon sa ulat ng Naval Forces West, nasira ang bangkang sinasakyan ng mga mangingisda na FB Pauline 2.

Nabatid na na-rescue ang mga mangingisda matapos makatanggap ng radio message mula sa bangka na FB Espanola na nasira ang FB Pauline 2.

Nagkaroon ng Hull derangement ang FB Pauline 2 at butas sa freeboard.

Agad namang na-rescue ang mga mangingisda at sinundo ng BRP Emilio Jacinto.

Nasuri na rin ang lagay ng kalusugan ng mga mangingisda at agad na binigyan ng pagkain.

 

TAGS: 31 magingisda, Nares Bank, Naval Forces West, West Philippine Sea, 31 magingisda, Nares Bank, Naval Forces West, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.