Oil exploration sa West Philippine Sea ang isagot sa mga hakbang ng China – SP Tito Sotto
Hinikayat ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga opisyal ng gobyerno na ikunsidera ang oil exploration sa bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.
Ito aniya ang magandang alternatibo sa mga ginagawang hakbang ng China at para hindi naman mabalewala ang panalo ng Pilipinas sa 2016 Arbitral Ruling.
“The public discourse over the WPS boils down to one thing: While the United Nations ruled in our favor, the ruling cannot be put in force because of the absence of an international body that would enforce it. But we can use this arbitral victory to our advantage,” sabi ni Sotto.
Giit niya, hindi naman maaring pagbawalan ng China ang gagawing exploration ng Pilipinas sa pinag-aagawang bahagi ng WPS.
“Hindi naman tayo pwedeng pagbawalan ng China kung gusto nating i-explore ang natural and mineral resources sa ating EEZ dahil atin iyon, pagmamay-ari natin iyon. Kung interesado ang China, pwede naman silang maging joint partner natin pero 60-40 ang hatian dahil tayo ang may-ari nung area,” dagdag paliwanag pa nito sa kanyang panukala.
Panawagan din niya ay isantabi na ang mga pagkakaiba ng mga paniniwalang political at dapat ay sama-samang kumilos para mapakinabangan ang panalo ng Pilipinas laban sa China sa UN ruling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.