Santiago sasali sa huling presidential debate sa Linggo

By Den Macaranas April 18, 2016 - 05:03 PM

mirriam-defensor-santiago1
Inquirer file photo

Sinabi ni Sen. Mirriam Defensor-Santiago na dadalo siya sa huling presidential debate sa Linggo, April 24 na gaganapin sa Dagupan City sa Pangasinan.

Sa kanyang talumpati sa commencement exercise sa Bulacan State University sa Malolos City, sinabi ni Santiago na gusto niyang itaas ang antas ng debate para sa presidential race.

Masyado na raw kasing mababa ang talakayan na puno lamang ng siraan ang nangyayari kaya makikiisa na siya sa huling debate bago ang mismong araw ng halalan sa susunod na buwan.

Si Santiago ay hindi nakalahok sa ikalawang Commission on Elections (Comelec)-sanctioned debate na ginanap sa Cebu City.

Inihayag rin ng standard-bearer ng People’s Reform Party (PRP) na kumpara noong nakalipas na buwan ay mas maayos ang kanyang health condition sa kasalukuyan.

Noong nakaraang araw ay naging aktibo na rin sa pangangampanya si Santiago kasama ang kanyang running-mate na si Sen. Bongbong Marcos.

TAGS: 2016 elections, Marcos, Presidential debate, Santiago, 2016 elections, Marcos, Presidential debate, Santiago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.