Papel ng pribadong sektor sa laban kontra COVID-19 kinilala sa Kamara

Kinilala ni San Jose del Monte City, Bulacan Rep. Rida Robes ang papel na ginagampanan ng pribadong sektor sa laban ng bansa sa COVID-19 pandemic. Sa kanyang privilege speech sa sesyon ng Kamara sinabi ni Robes na siya ring chairperson ng House Committee on People’s Participation na ngayong panahon ng krisis hindi kayang magawa lahat ng gobyerno na harapin ang krisis. Krusyal anya ang pagtulong ng pribadong sektor sa pamahalaan upang maresobla ang krisis pangkalusugan at makarekober ang ekonomiya ng bansa. Sabi ni Robes, “They have the experience, resilience and drive to get the country back on track because their businesses depend on the country’s policies and programs in addressing the challenges at hand.” Iginiit ni Robes na alam ng lahat na bakuna ang solusyon upang maresolba ang pandemya at dito muling pumasok ang pribadong sector kung saan noong nakalipas na taon  ay nag-ambagan ang mahigit isang libong kumpanya para sa 6.5 milyong bakuna. “Ngayon naman, muling naglungsad ang private sector ng isang programa upang masiguro na ang bawat Pilipino ay mapabakunahan. Recently, more than 100 top private companies came together to unveil the Ingat Angat Bakuna sa Lahat program that is aimed at helping the government achieve herd immunity through vaccination,” pahayag ni Robes. Kabilang sa Ingat Angat Bakuna sa Lahat ang mga nangungunang kumpayan sa retail trade, fast food chains,  hospitals, iba pang medical establishments, food manufacturing at mga media outlets. Kaugnay nito, nanawagan ang kongresista sa publiko na makiisa sa laban kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapabakuna. “Gusto ko lamang po kunin ang pagkakataon na ito upang manawagan sa aking mga kababayan na makiisa sa ating laban sa pandemya sa pamamagitan ng pagbabakuna. Atin pong paniwalaan ang research at development dahil ayon sa mga eksperto, ano man pong brand ng bakuna ay pinapatunayang epektibo upang hindi makakuha ng severe COVID-19. Tandaan po natin ang rule of thumb; “get what vaccine is available to you” dahil ito lang po ang tanging solusyon upang umandar muli ang ating ekonomiya at makabalik tayo sa normal na buhay,” pahayag pa ni Robes sa sesyon ng Kamara.

Read more...