Pagtaas sa ‘chalk allowance’ ng public school teachers dapat maging batas
Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian na magtuloy-tuloy ang pagtaas ng ibinibigay na ‘chalk allowance’ sa mga pampublikong-guro.
Malaking tulong aniya sa mga guro nag karagdagang allowance maging sa pagkasa ng blended learning system, kasama na ang home-based education.
Kabilang si Gatchalian sa co-author ng Senate Bill No. 1092 oa ang Teaching Supplies Allowance Act of 2020, kung saan tataas sa P10,000 ang teaching supplies allowance ng mga guro sa 2024-2025 mula sa P5,000 sa susunod na taon.
Sa panukala, ang allowance ay hindi bubuwisan at noon pang Nobyembre ito lumusot sa Senado.
“Ang panukala nating pagtaas ng teaching supplies allowance ay pagbibigay ng suporta at pagkilala sa sakripisyo ng mga guro, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Kailangang pagsikapan nating maibsan ang pasaning pinansyal ng mga guro upang maturuan nang husto ang kanilang mga mag-aaral,” katuwiran pa ni Gatchalian, ang namumuno sa Senate Committee on Basic Education.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.