84 porsyento ng LGUs sa bansa, idineklarang persona non grata ang CPP-NPA-NDF

By Angellic Jordan May 24, 2021 - 11:15 PM

Idineklarang persona non grata ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ng 84 porsyento ng 1,715 probinsya, lungsod at munisipalidad sa buong bansa, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa isang virtual press conference, sinabi ni DILG Undersecretary at NTF-ELCAC Spokesperson Jonathan Malaya na nasa kabuuang 1,436 LGUs ang nagpasa ng resolusyon para kondenahin ang kalupitan ng CPP-NPA-NDF.

Nasa 279 LGUs naman ang nasa bahagi pa ng deliberasyon sa kani-kanilang provincial, city, at municipal councils.

“The resolutions of LGUs are solid proof of the condemnation of the CTGs and the resolutions belie the false claims of the Communist terrorists that they are supported by the people,” pahayag ni Malaya.

“Isa itong mensahe sa mga CTGs na tigilan n’yo na ang inyong pagkukunwaring kayo’y para sa bayan. Hindi totoong kayo ang boses ng mamamayan. Hindi totoong gusto o kailangan kayo ng mamamayan,” bwelta pa nito.

Sa 17 rehiyon, anim ang umabot na sa 100 porsyentong deklarasyon ng persona non grata laban sa CPP-NPA-NDF. Kabilang dito ang Central Luzon, MIMAROPA, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Apat namang rehiyon ang malapit nang umabot sa absolute declaration ng persona non grata, kasama ang Ilocos Region na may 99 porsyento, Cagayan Valley na may 98 porsyento, CALABARZON na may 94 porsyento, at Northern Mindanao na may 95 porsyento.

Sa bahagi naman ng National Capital Region (NCR), siyam sa 16 lungsod at isang munisipalidad ang nagdeklara na sa CPP-NPA-NDF na persona non grata.

Kabilang dito ang Caloocan, Las Piñas, Mandaluyong, Muntinlupa, Navotas, Pasig, Quezon, San Juan, at Valenzuela.

TAGS: DILG, Inquirer News, Jonathan Malaya, persona non grata, persona non grata CPP-NPA-NDF, persona non grata NPA, Radyo Inquirer news, DILG, Inquirer News, Jonathan Malaya, persona non grata, persona non grata CPP-NPA-NDF, persona non grata NPA, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.