Wheelchair attendant ng NAIA patay sa heat stroke

By Den Macaranas April 18, 2016 - 04:59 PM

naia terminal2
Inquirer file photo

Kinumpirma ng pamunuan ng Manila International Airport Authority na isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport ang namatay dahil sa heat stroke.

Ayon sa pahayag ng MIAA, noong nakaraang Biyernes ng hapon ay nakita si Elmer Limon, 39-anyos, wheelchair attendant sa Bay 45 ng NAIA Terminal 2 na dumadaing ng pananakit ng dibdib  at matinding sakit ng ulo dahil sa sobrang init ng panahon.

Kaagad na isinugod ang biktima sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay City kung saan siya’y idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Lorena Purisima.

Sinabi ng naturang duktor na cardio-respiratory arrest ang ikinamatay ng biktima.

Nauna dito ay naglabas ng babala ang Pagasa sa publiko hingil sa mainit na lagay ng ating panahon na pwedeng tumagal pa ng ilang buwan.

Pinayuhan din ng weather bureau ang publiko na umiwas sa matinding sikat ng araw at panatilihin ang normal na body temperature sa pamamagitan ng regular na pag-inom ng tubig.

TAGS: heat stroke, NAIA, San Juan De Dios Hospital, terminal 2, heat stroke, NAIA, San Juan De Dios Hospital, terminal 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.