Bilang ng nabakunahan vs COVID-19 sa Maynila, nasa 238,555 na

Umabot na sa 238,555 ang kabuuang bilang ng mga nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Batay ito sa huling tala ng Manila Health Department (MHD) hanggang 5:00, Lunes ng hapon (May 24).

Sa nasabing bilang, 170,761 ang naturukan ng first dose ng bakuna habang 67,794 namang ang second dose.

Nasa 4,197 naman ang naibigay na bakuna para sa araw ng Lunes, kung saan 374 ang first dose at 3,823 ang second dose.

Patuloy pa ring hinihikayat ni Mayor Isko Moreno ang mga kabilang sa priority groups na magpabakuna na.

Narito ang link kung saan maaari mag-register:
www.manilacovid19vaccine.ph.

Read more...