NBI, inatasan ng DOJ na mag-imbestiga sa umano’y pagbebenta ng vaccination slots
Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y ilegal na pagbebenta ng COVID-19 vaccine at vaccination slots sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.
Sa Department order no. 120, ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI sa pangunguna ni Officer-in-charge (OIC) Eric Distor.
Sakaling makahanap ng sapat na ebidensya, sinabi ng kalihim na agad magsasampa ng kaukulang kaso sa lahat ng indibidwal na sangkot o mapag-alamang responsable rito.
Pinagsusumite si Distor ng report ukol sa progreso ng imbestigasyon sa loob ng 10 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.