Easterlies, magdadala pa rin ng maalinsangang panahon sa bansa

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na umiiral ang Easterlies sa bansa, ayon sa PAGASA.

Ang Easterlies ang mainit na hangin na nanggagaling sa Pacific Ocean.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Grace Castaneda na magdadala pa rin ito ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa.

May tsansa lamang aniya ng mga pulo-pulong pag-ulan, lalo na sa hapon o gabi.

Samantala, walang inaasahang makakaapekto na bagyo o sama ng panahon sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...