Bilang ng nasawi sa India dahil sa COVID-19, lagpas 300,000 na

By Angellic Jordan May 24, 2021 - 07:13 PM

AFP photo

Lagpas 300,000 na ang bilang ng mga nasawi sa India dulot ng COVID-19.

Sa huling tala ng health ministry sa nasabing bansa, 4,454 ang napaulat na COVID-19 related deaths sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, sumampa na sa 303,720 ang kabuuang bilang ng nasawi bunsod ng nakakahawang sakit sa India.

Nasa 222,315 naman ang bagong naitalang kaso ng COVID-19.

Dahil dito, umabot na sa mahigit 26.75 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India.

Pangalawa ang India sa mga bansang may pinakamataas na naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in India, COVID-19 deaths in India, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in India, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in India, COVID-19 deaths in India, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in India, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.