63 porsyento ng mga Filipino, mas pinipili ang COVID-19 vaccine na gawa ng Amerika

Mas pinipili ng mga Filipino ang COVID-19 vaccine na gawa sa Amerika, base sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa resulta ng survey, nasa 63 porsyento ng mga Filipino ang mas pinipili na makakuha ng bakunang gawa sa Amerika.

Sumunod dito ang bakunang gawa sa China (19 porsyento), Japan (13 porsyento), Australia (13 porsyento), United Kingdom (13 porsyento), Canada (12 porsyento), at Russia (12 porsyento).

Nasa dalawang porsyento naman ang pumili sa lahat ng 10 banda habang 12 porsyento ang hindi nagbigay ng sagot.

Nang tanungin naman kung anong brand ang pipiliin sa mga bakuna na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA), 39 porsyento ang pumili sa bakuna mula sa Sinovac Biotech habang 33 porsyento sa Pfizer-BioNTech.

Pangatlo naman dito ang AstraZeneca (22 porsyento), Johnson & Johnson (10 porsyento), Moderna (7 porsyento), CureVac (3 porsyento), Sinopharm (3 porsyento), Novavax (3 porsyento), Sanofi-GSK (3 porsyento), at Gamaleya (2 porsyento).

Nasa dalawang porsyento naman ang pumili sa 10 brand at 19 ang hindi sumagot.

Lumabas din sa survey na Sinovac ang mas gustong brand sa Mindanao (44 porsyento) at Visayas (44 porsyento). Pantay naman ang Sinovac at Pfizer sa Metro Manila na may 37 porsyento.

Isinagawa ang First Quarter 2021 Social Weather Survey mula April 28 hanggang May 2, 2021 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults na may edad 18 pataas sa buong bansa.

Read more...