45 degrees Celsius na heat index naitala sa Dagupan City, Sangley Point

By Angellic Jordan May 24, 2021 - 05:17 PM

Naging mainit at maalinsangan pa rin ang panahon sa maraming lugar sa bansa sa araw ng Lunes, May 24.

Sa datos ng PAGASA, umabot sa 45 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan at Sangley Point, Cavite bandang 2:00 ng hapon.

44 degrees Celsius naman ang heat index sa Aparri, Cagayan dakong 2:00 ng hapon.

Nasa 43 degrees Celsius naman ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Davao City, Davao del Sur (12:00 ng tanghali)
– Itbayat, Zambales (11:00 ng umaga)
– Legazpi City, Albay (11:00 ng umaga)
– Masbate City, Masbate (12:00 ng tanghali)

Naitala ang 41 degrees Celsius na heat index sa:
– Catbalogan, Western Samar (11:00 ng umaga)
– El Salvador City, Misamis Oriental (2:00 ng hapon)
– Iba, Zambales (2:00 ng hapon)
– Laoag City, Ilocos Norte (11:00 ng hapon)
– Mactan International Airport, Cebu (1:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Zamboanga del Sur (2:00 ng hapon)

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

TAGS: heat index May 24, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 24, heat index May 24, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 24

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.