“Sinuman ang nagsabi, hindi isang biro ang rape” – Off Cam ni Arlyn Dela Cruz
Sa kahit anggulo ko tignan, hindi kayang bigyan ng katwiran ang anumang biro tungkol sa panggagahasa kahit pa sino ang nagbitaw ng biro o kahit pa sino ang pinatungkulan ng biro, buhay man o patay, maganda man o panget.
At hindi dahil sa babae ka kaya ka magsasalita ng pagtutol sa anumang biro tungkol sa panggagahasa, sinuman ang nagbiro, sinuman ang biniro.
You just have to be human to feel disgust and even anger to such kind of joke.
Nakakalungkot na ginawang biro ang isang mapait na trahedya, maraming taon na ang nakalipas. “Gutter language” , iyon ang sangkalan.
Pero sa akin, higit na nakalulungkot na sa kabila nito ay marami ang nagbibigay katwiran sa kanya, umaayon sa pagsasabing may mga taong ganun lang talaga magsalita, may mga taong kulang-kuha ang ganoong klaseng bitiw ng salita, dahil iyon ay salitang kanto, biro ng masa, ng karaniwang tao, salitang hindi masasakyan ng “conio, birong madaling maunawaan ng mga tumatayo o tumatambay sa kanto na para bang ang bagay ng pagka-unawa at hindi pagka-unawa sa biro ay dahil sa class differences, lengguwageng naghahati o naglalagay ng pader sa pagitan ng mahirap at mayaman.
It’s not about social clashes and social divide. It’s about respect and sensibilities.
I have a confession. My daughter Nica is a self-proclaimed Duterte fan along with her classmates and friends.
Hinahayaan ko siya sa kanyang malayang pagpili ng sa tingin niya ay karapat-dapat na maging susunod na pangulo ng bansa.
She knew I am a Miriam Defensor-Santiago fan but that did not prevent her from convincing me to vote for Duterte.
Para kasi sa maraming kabataan ngayon, parang parang rock star ang dating ni Duterte.
She’s 15 by the way and won’t be participating in the May 9 elections.
But after the rape joke, I need not tell her about it, she immediately knew how to react.
“Rape is not a joking matter, he went too far”, my daughter said. Natuwa ako sa pagbabago ng isip ng bunso ko tungkol sa iniidolong kandidato.
Alam niya ang tama at mali, ang labis at ang hangganan. Yun ang gusto ko lang puntusan, kung OK lang sa atin ang biro tungkol sa panggagahasa, OK din lang ba ang mismong akto ng panggagahasa?
Saan ba naghihiwalay ang biro sa katotohanan?
Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin sabi nga. Ang nasa isip mo, yun ang katotohanan mo.
Your thoughts represent your truth. Duterte’s immense popularity is a statement of how many abhor everything about the status quo.
Many want change and I can relate to that. But let us not confuse change from respect to the sensibilities of other people especially the very people that you want to lead, the very people that look up to you as a symbol of change.
Maraming pagkakataon sa ating kasaysayan na parang biniro tayo ng tadhana.
Huwag nawang tayo ang maging biktima ng birong ating inayunan, binigyan ng katwiran at tinawanan pa nga sa ngayon. Hindi natin alam ang puwedeng maging biro ng kinabukasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.