Bilang ng tumatakbong bagon sa MRT-3, nasa 18 na
Nadagdagan pa ng dalawa ang tumatakbong newly-overhauled Light Rail Vehicles (LRVs) o bagon sa linya ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, umakyat na sa 18 ang bilang ng tumatakbong bagon.
Naunang makapag-deploy ng 16 na LRVs sa nasabing linya ng tren, pandagdag sa operational train sets na binubuo ng 21 CKD train sets at 1 Dalian train set.
Bahagi ang general overhauling ng mga bagon ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3, sa tulong ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP.
Sa ngayon, tuloy pa rin ang ipinatutupad na 30-percent passenger capacity sa MRT-3, kung saan 124 na pasahero ang kayang maisakay sa kada train car o 372 na pasahero kada train set.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.