PNP Chief Eleazar, nagsagawa ng surprise inspection sa walong istasyon ng pulis sa NCR

By Angellic Jordan May 24, 2021 - 02:13 PM

PNP photo

Nagsagawa ng surprise inspection si Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar walong istasyon ng pulis sa Pasay, Parañaque, Taguig at Manila araw ng Linggo, May 23.

Nadatnan ni Eleazar ang mga istasyon na malinis at may pagbabago.

Simula nang maupo bilang hepe ng pambansang pulisya, pinaigting ang Intensified Cleanliness Policy upang maisaayos ang ilang problema tulad ng maduming kapaligiran sa ilang presinto at istasyon.

Paliwanag ni Eleazar, layon ng naturang polisiya na maitatak sa kanilang hanay ang disiplina.

“Natutuwa ako na makitang unti-unti nang nagbabago ang tingin ng ating mga kababayan sa kapulisan. Ang kalinisan ng paligid sa bawat istasyon ng pulis ay indikasyon din ng malinis na serbisyo ng ating mga pulis,” pahayag nito.

Dapat aniyang maghanda ang iba pang istasyon ng pulis dahil ipagpapatuloy aniya niya ang suprise inspection.

“Dadayuhin natin kahit na pinakamaliit na istasyon, kaya dapat handa sila, malinis ang lugar at alerto ang mga nakaduty,” saad nito.

TAGS: Inquirer News, PNP chief Guillermo Eleazar, Radyo Inquirer news, surprise inspection, Inquirer News, PNP chief Guillermo Eleazar, Radyo Inquirer news, surprise inspection

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.