97 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 97 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (May 24), 22,847 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,480 ang aktibo pang kaso.

100 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 21,304 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 63 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...