Pagpaparehistro sa national ID system sa Maynila, pinangunahan ni Mayor Moreno
Mismong si Manila Mayor Isko Moreno ang nanguna sa pagpaparehistro sa Philippine Idenfication System sa lungsod.
Nagpa-reshitro si Mayor Isko sa Universidad de Manila ngayong umaga, Mayo 24.
Sinimulan ang registration para sa mga empleyado lokal na pamahalaan ng Maynila.
Naniniwala si Mayor Isko na malaking tulong ang pagkakaroon ng national identification para madali ang implementasyon ng mga programa ng pamahalaan halimbawa na ang pagbibigay ng mga ayuda.
Sa ganitong paraan kasi aniya, maayos na ang sistema at may data base na ang pamahalaan para sa mga benepsiyaryo.
Target ng lungsod na mairehistro sa araw ng Lunes, May 24, ang 854 ne empleyado ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.