Dalawa ang nasawi habang aabot sa P68-M halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Karuhatan Village 1, Muntinlupa City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Jordan Abrigo at Jayvee de Guzman na pawang miyembro ng Divinagracia Drug Group na responsable sa pagbebenta ng droga sa National Capital Region, Region 6 at iba pang mga kalapit na lalawigan.
Nakumpiska mula sa mga ito ang tatlong plastic packs ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng sampung kilo, isang itim na kotse na walang plate number, P1.5M boodle money at dalawang kalibre 45 baril.
Ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar, ang grupo ng mga ito rin ay nagpapakalat ng droga sa Visayas at Mindanao gamit ang mga cargo trucks.
Isinasakay anya ang mga ito sa RO-RO mula sa Batangas Port.
“I commend the joint effort of PNP-PDEA operatives for another laudable accomplishments as we continue to invigorate our anti illegal drugs campaign to totally wipe out all forms of illegal drugs in order to realize our quest for a drug-free nation,” pahayag ni Eleazar.