Sen. Go nakahanap ng kakampi sa Kamara sa pakikipagtalo kay Sen. Drilon
Nakahanap ng kakampi sa isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Senator Bong Go kaugnay sa naging pagtatalo nila sa pagitan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon bunsod ng hospital expansion bills.
Sa statement ni House Majority Floor Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez pinuri at pinasalamatan nito ang malasakit ni Go para sa agarang pagpapatibay sa hospital expansion bills na napapanahon ngayong may COVID-19 pandemic.
“Thank you Sen. Bong Go for championing the country’s healthcare system as you foster empathy, compassion, unwavering commitment and sensitivity in pushing for the approval of several measures seeking to expand the bed capacities of our hospitals nationwide,” saad ni Romualdez.
Dagdag pa ni Romualdez, “Your pro-people legislation to make the lives of Filipinos comfortable has been inspiring us to work harder, smarter and more efficiently.”
Matatandaang nagkaroon ng mainit na debate sa Senado sina Go at Drilon matapos na hilingin ni Go na patigilin ang interpelasyon ni Drilon dahil pinapatagal lamang nito ang pagapruba sa panukala.
Samantala, umaasa naman si Romualdez na kaisa ng Kamara ang Senado sa mabilis na pagpapatibay sa mga panukala partikular na sa pagdadagdag ng bed capacities ng mga ospital upang makaagapay sa mga pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 patients.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.