Maalinsangang panahon mararanasan sa malaking bahagi ng bansa

DOST PAGASA Facebook photo

Easterlies pa rin ang umiiral sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, makararanas pa rin ng maaliwalas at  maalinsangang panahon pero posible ang pag-ulan lalo  na sa hapon hanggang gabi.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers dulot ng easterlies at localized thunderstorm.

Posible naman ang pagkakaroon ng flashfloods o landslides kapag nagkaroon ng severe thunderstorm sabi ng PAGASA.

Ang araw ay sumikat 5:27 ng umaga at inaasahang lulubong mamayang 6:19 ng gabi.

 

Read more...