Magnitude 5.2 na lindol yumanig sa San Antonio, Zambales

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Zambales, tanghali ng linggo.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig dakong 12:41 ng tanghali.

Ang episentro ng lindol ay nasukat sa layong 94 kilometro Silangang-Kanluran ng San Antonio, Zambales.

May lalim ito na 2 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity I sa Quezon City habang Instrumental Intensity I naman sa Marikina City at Olongapo City.

Read more...