Iloilo City inilagay sa MECQ simula ngayong araw; MECQ sa Apayao, Cagayan at Benguet pinalawig

By Erwin Aguilon May 23, 2021 - 12:58 PM

Inilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine(MECQ) ang Iloilo City habang pinalawig naman ang pagpapatupad nito hanggang May 31, 2021 sa mga lalawigan ng Apayao, Cagayan at Benguet.

Ang paglalagay sa MECQ sa Iloilo City simula ngayong araw, May 23, 2021 hanggang May 31, 2021 sa nasabing lungsod ay kasunod ng apela ni Mayor Jerry Treñas sa IATF na gawing mas mas mahigpit ang quarantine status sa lungsod.

Nasa ilalim ang Modified General Community Quarantine ang Iloilo City bago ito malagay sa MECQ ngayong araw.

Nais ng lokal na pamahalaan na higpitan ang kanilang quarantine status upang mapababa ang kaso ng COVID-19 at hindi mapuno ang kanilang mga ospital.

Pinalawig naman ang MECQ sa Apayao, Cagayan at Benguet matapos irekomenda ng  IATF Screening and Validation Committee.

Mula noong May 10, 2021 ay nasa ilalim na ng MECQ ang nasabing mga lalawigan.

 

TAGS: Apayao, benguet, Cagayan, COVID-19, iloilo city, MECQ, Apayao, benguet, Cagayan, COVID-19, iloilo city, MECQ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.