Facebook page ng Dito Telecom binaha ng mga reklamo ng ‘poor service’

Sa halip na mga papuri, labis na pagkadismaya sa pangit na serbisyo ang bumaha sa social media page ng Dito Telecommunity.

 

Ang pagkadismaya ng mga subscribers ay ibinuhos sa Facebook page kung saan inanunsiyo na may serbisyo na  may rollout na ang third major telco ng bansa sa Metro Manila.

 

Karamihan sa mga reklamo ay ukol sa interconnection ng Dito sa ibang telco players.

 

Bukod dito, labisna inireklamo rin ang hindi pagiging compatible ng Dito SIM card sa ibang phones, mahinang signal at hindi maaasahan anila na internet connection.

 

Ikinadismaya din ang overpriced SIM cards at poor customer service.

 

Ilan lang sa mga reklamo na nai-post;

 

“After 2 days still no answer!,” pahayag ng isang galit na customer, na sinabing nag-order siya ng SIM ngunit nabigong matanggap ito pagkalipas ng ilang araw.

 

“I wanna feed back, Your network service right now Is superly bad, The netwrok isn’t stable It vanishes then comes back again. Wtf is wrong? It happened for like 7x now,” daing ng isa pang customer.

 

“Super bad talaga sa aking observation simula ng pag bili ko hindi ako na satisfied sa network ng DITO, The service here in Calamba City Laguna (Paciano area) is so slow.  you are not transparent, when we order you sent us a random number but there’s a lot of seller in shoppee and lazada selling special numbers or vanity numbers, so maybe one of your workers or employees separate this number to sell it for the higher price,” ang ilan pa sa mga reklamo ng netizens.

 

“Here in Santo Tomas, Davao del Norre, DITO signal is not stable; also sometimes 4 mbps or 7 mbps… it’s disappointing pls fix  this so we can enjoy your promo,”

 

Isa pang post ang humihiling na ayusin ang signal nito sa isang sikat na mall sa Pasay City: “Nasa commercial area ako pero walang signal ang DITO.”

 

Sa isa pang post ng isang galit na customer ay nakasaad na, “Bwesit sobrang hina ng signal tapps  biglang baba yung mb mo bwesit.”

 

Bago pa ito ay inamin naman na Dito chief technology officer Rodolfo Santiago na hindi pa sila makasabay sa mga naunang telco players at hindi uubra ang kanilang system sa mga lumang cellphone, bukod sa problema sa interconnection.

 

May mga nauna na rin reklamo  sa Dito ukol sa umanoy ilegal na pagpapatayo ng kanilang cellsites sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

 

Read more...