BREAKING: COVID-19 recoveries sa Pilipinas, lagpas 1.1-M na

Mahigit 6,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (May 22), pumalo na sa 1,178,217 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 54,326 o 4.6 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 6,831 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.9 porsyento ang asymptomatic; 1.26 porsyento ang moderate; 1.9 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 183 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 19,946 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 7,981 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,103,945 o 93.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...