PNoy nakakuha ng lowest net satisfaction rating, mahigit 1 buwan bago matapos ang termino
Naitala ang pinakamababang net satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino III mula sa moderate o plus 11 na nakuha nito noong March 2015 survey.
Ayon sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula March 30 hanggang April 2, nakuha ng Pangulong Aquino ang moderate o plus 27 sa first quarter ng 2016.
Ang net satisfaction rating ng pangulo sa March 2016 SWS survey ay limang puntos na mababa mula sa good o plus 32 na nakuha nito noong December 2015.
Ayon sa SWS, ang limang puntos na pagbaba ng rating ng pangulo ay dahil sa ibinaba nitong 23 points sa Metro Manila, walong puntos sa Visayas, one point sa Mindanao at steady score sa balance Luzon.
Samantala, sa socioeconomic classes, nakuha ni PNoy ang moderate o plus 17 net satisfaction rating mula sa classes ABC, moderate o plus 25 sa class D at good o plus 36 sa class E.
Pero sinabi ng SWS na ang second to last satisfaction rating ng pangulo ay mas mataas kaysa kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nakakuha ng very bad o minus 53 sa first quarter ng 2010.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.