Higit 3.4-M Filipino, nakapagparehistro na para sa 2022 elections
Umabot na sa humigit-kumulang 3.4 milyong Filipino ang nakapagparehistro para sa 2022 elections.
Batay sa tala ng Commission on Elections (Comelec), nasa kabuuang 3,483,298 na ang mga nakapagparehistro.
83 porsyento ng nasabing bilang ang natanggap na aplikasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic mula January 20, 2020 hanggang May 15, 2021.
Lumabas sa datos na 2,904,347 ang naihain sa pagitan ng September 2020 hanggang May 2021, habang 578 951 naman mula January hanggang March 2020.
Bukas ang voter registration hanggang September 30, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.