Top NPA leader na inutusan pumatay sa mga NTF-ELCAC spokespersons napatay sa Laguna

By Jan Escosio May 21, 2021 - 07:00 PM

Nakipagpatayan na lang sa mga tauhan ng PNP – Special Action Force (SAF) ang isang sinasabing pinuno ng New People’s Army at dalawa sa kanyang mga tauhan sa Sta. Rosa City sa Laguna kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Romel Rizza alias Bernie, samantalang ang dalawang iba pa ay nakilala lang na sina alias Blue at alias Dean.

Sinabi ni Calabarzon police director, Brig. Gen. Eliseo Cruz si Rizza ang commanding officer ng Regional Special Operations Group ng Southern Tagalog Regional Party Committee.

Nabatid na pangunahing misyon din ni Rizza ang patayin ang mga tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF – ELCAC).

Si Rizza din ang nagsisilbing commanding officer ng Main Regional Guerilla Unit na may operasyon sa Calabarzon at Mimaropa Regions.

Ayon kay Cruz natunton ang safehouse ng mga napatay sa Buena Rosa Subd., sa Barangay Macabling at ala-1:30 ay isisilbi dapat ang arrest warrants laban kay Rizza,

Ngunit pagpasok pa lang ng mga pulis ay pinaputukan na sila at sa palitan ng mga putok ay napatay ang tatlong rebelde.

Narekober sa mga napatay ang isang M-16 rifle, dalawang caliber .45 pistols at mga bala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.