Degraded operations, ipatutupad sa LRT-2 sa May 22 – 33 at May 29 – 30

Magpapatupad ng degraded operations sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa huling dalawang weekend ng Mayo.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng Line 2 East Extension Project sa buwan ng Hunyo.

Gagawin ang degraded operations sa May 22 hanggang 23 at sa May 29 hanggang 30 sa taong 2021.

Sa kasagsagan nito, ang biyahe ng tren ay mula Araneta Center Cubao station hanggang Recto at pabalik lamang.

Sinabi ng LTRA na isasagawa kasi ang integration test ng signaling system ng Marikina at Antipolo stations sa Santolan hanggang Recto stations.

Read more...