Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (May 21), pumalo na sa 1,171,403 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 55,531 o 4.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,258 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.0 porsyento ang asymptomatic; 1.22 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 141 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 19,763 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 2,586 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,096,109 o 93.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.