P10-B loan para sa infra projects, sinelyuhan ng DBP at Manila LGU
Nilagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno at Development Bank of the Philippines (DBP) ang P10-billion loan agreement para pondohan ang anim na malalaking infrastructure projects.
Kabilang sa mga paglalaanan ng pondo ang pagtatayo ng tatlong eskwelahan gaya ng Dr. Alejandro Albert Elementary School, Rosauro Almario Elementary School, at Manila Science High School.
Paglalaanan din ng pondo ang tatlong residential buildings na kinabibilangan ng Pedro Gil Residences, San Lazaro Residences, at San Sebastian Residences.
Ayon kay Mayor Isko, ang residential buildings will ay idadagdag sa ongoing housing development projects ng lungsod para sa mga mahihirap.
“Housing is an urgent matter to be addressed by the state. I am referring to decent housing, hindi ‘yung parang bahay ng kalapati lang,” pahayag ni Mayor Isko.
Nabatid na ang P10-billion loan ay dagdag sa P5-billion loan ng lungsod sa DBP noong Enero 2020.
Ginamit ang P5-billion loan sa pagpapatayo ng Tondominium 1 at Tondominium 2.
“Ang gobyerno ay may kakayahang pataasin ang antas ng pamumuhay ng tao. Ang gobyerno kayang ibalik ang dignidad sa pamumuhay ng isang mahirap. Lagi kong ipinapaalala sa inyo, ‘di baleng tayo’y mahirap basta wag maging dugyot. Di bale tayo’y mahirap, basta’wag mawalan ng pag-asa. Mangarap tayo, ” pahayag ni Mayor Isko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.