Ayon kay Insp. Roselle Orate, information officer ng Laguna provincial police, ang biktima ay kinilalang si Ferdinand Diones Pampolina.
Ang mga kaanak ni Pampolina na sina Kasper, Judity, Dina, at Gennette Pampolina at si Johna Perez Timabad ay pawang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan.
Armado ng baril ang dalawang lalaki nang pumasok sa bahay ng mga biktima sa Barangay San Benito alas 11:30 kagabi.
Tinangay ng mga suspek ang laptop at iba pang gadgets na nakita nila sa loob ng bahay.
Ayon kay Alaminos police chief, Senior Insp. Reynaldo Vitto, pumasok ang mga suspek sa likurang bahagi ng bahay at pinagbabaril ang mga biktima.
Kahit may tama ng bala ng baril, nagawa pa ni Timabad na makahingi ng tulong sa mga tauhan ng barangay na nagpapatrulya ng gabing iyon.
Nasawi si Ferdinand habang dinadala sa ospital sa San Pablo City.