COVID-19 vaccines para sa private sector magsisimula nang dumating sa susunod na buwan

By Jan Escosio May 21, 2021 - 10:08 AM

Inaasahan na sa susunod na buwan ay magsisimula nang dumating ang mga biniling COVID 19-vaccines ng pribadong sektor, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

 

Aniya kabilang sa mga darating ay mga Moderna at AstraZeneca vaccines, gayundin ang 500,000 doses ng Sinovac na binili ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry.

 

Pagtitiyak ni Dominguez na aasikasuhin ng gobyerno sa Bureau of Customs ang pagpapalabas sa mga bakuna para matiyak na maayos ang paghawak sa mga ito dahil sa isyu ng kinakailangan na temperature.

 

Nabili ang mga bakuna sa pamamagitan ng tripartite agreement at kinakailangan ang partisipasyon ng gobyerno dahil ito ang sasagot sa anumang adverse effects na idudulot ng bakuna sa pamamagitan ng P500-million National Vaccine Indemnity Fund.

 

Sa ngayon, hindi pa maaring ipagbili ang bakuna dahil sa government priority list at dahil na rin sa limitadong suplay sa buong mundo.

TAGS: AstraZeneca, carlos dominguez, COVID-19, moderna, private sector, vaccines, AstraZeneca, carlos dominguez, COVID-19, moderna, private sector, vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.