(Senate PRIB)
Agad nagpahayag ng suporta si Senator Sherwin “Win” Gatchalian sa plano ng gobyerno na isama na ang mga kabataan sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.
Aniya dapat pag-aralan na ng gobyerno ang diskarte ng ibang bansa, partikular na ang US, sa pagpapabakuna ng mga menor de edad at kabataan.
Banggit niya ang ginagawa sa US ay may gabay ng kanilang Center for Disease Control and Prevention at suportado ng American Academy of Pediatrics.
Sa ngayon, ayon pa kay Gatchalian, hindi pa maaring bakunahan sa Pilipinas ang mga nasa edad 17 pababa, samantalang sa US ang ibinabakuna sa mga nasa edad 12 hanggang 15 ay Pfizer vaccine.
Sabi ng senador dapat ay nagsisimula na ang LGUs sa paghahanda para sa pagpapabakuna ng mga kabataan at ang aniya ang unang gawin ay information campaign ukol sa kaligtasan ng mga bakuna.
Binanggit ni Gatchalian ang pahayag ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na kailangan ng P20 bilyon para mabakunahan ang 15 menor de edad at kabataan sa bansa.