Ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas ipinatupad

Nagkasundo na ang Israel at Islamist Hamas militants na magpatupad ng ceasefire o tigil putukan sa Palestinian Gaza Strip.

Ayon sa ulat, tanging celebratory gunfire lamang ang narinig sa Gaza streets.

Nabatid na walang rockets na pinasabog ang Hamas sa Israel.

Nagsimula ang tigil putukan matapos mamagitan ang Egypt.

Labing-isang araw na ang palitan ng putok ng Israel at Islamist hamas millitants kung saan ilang katao na ang nasawi.

 

Read more...