Umabot na sa 246 ang nasawi sa malakas na 7.8 magnitude na tumama sa Ecuador.
Ito na ang itinuturing na pinakamapaminsalang lindol na tumama sa Ecuador sa nakalipas na 40 taon.
Pinangangambahan din ng mga otoridad na tataas pa ang death toll sa susunod na mga araw dahil marami pa ang nawawala at na-trap sa mga gumuhong gusali.
Sa ngayon mayroong aabot sa 10,000 rescuers at 4,600 na mga pulis ang nagtutulong para maghanap ng survivors.
Tumama ang lindol sa 200km mula sa Quito at nagdulot ng matinding pinsala sa mga kalapit na lugar.
Nagdeklara na si Ecuador president Rafael Correa ng national emergency at nakatakda na ring tapusin ang kaniyang official visit sa Rome para bumalik sa bansa.
Taong 1979 nang huling magkaroon ng malakas na lindol sa Ecuador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.