Tatlo ang nasawi sa sunog na naganap sa Barangay Kalawaan, Pasig City.
Nakita ang mga biktimang sina Rosario Operio, 70 anyos at mag-inang Constancia Chan, 55 anyos at Benedict Chan, 22 anyos sa magkakahiwalay na lugar sa dalawang palapag na bahay na nasunog sa Purok 6, sa Barangay Kalawaan.
Nagsimula ang sunog pasado alas 2:33 ng madaling araw na umabot lamang sa first alarm.
Alas 6:08 nang maideklarang fire under control na ang nasabing sunog.
Magugunitang noong Biyernes, apat ang nasawi sa sunog sa Barangay Palatiw, Pasig City.
Nagano ang sunog alas 3:00 ng hapon ng Biyernes na umabot sa ikalimang alarma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.