Assessment at rehabilitasyon ng DPWH sa PGH, sinimulan na

Photo credit: Sec. Mark Villar/Facebook

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang assessment at rehabilitasyon sa Philippine General Hospital.

Ito ay matapos sumiklab ang sunog sa nasabing ospital sa Maynila noong Linggo ng madaling-araw, May 16.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nagsasagawa na ng clearing at rehabilitasyon sa PGH Operating Room Supply area.

Isa kasi ito sa lubhang naapektuhan ng sunog sa naturang ospital.

Sa ngayon, suspendido pa rin ang surgical procedures at emergency room sa PGH.

Read more...