Big time oil price hike ipatutupad ng mga kumpanya ng langis

Oil photo genericMagpapatupad ng big time oil price hike bukas ang mga kumpanya ng langis.

Posibleng maglaro sa pagitan ng P1.40 hanggang P1.50 ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

Habang ang madadagdag naman sa presyo ng gasolina at kerosene ay posibleng umabot sa P1.15 sa kada litro.

Ngayong araw ay inaasahang mag-aanunsyo ang mga kumpanya ng langis ng eksaktong halaga ng kanilang dagdag presyo.

Noong nakaraang linggo (April 12) nagpatupad ng bawas sa presyo ng produkto ang mga kumpanya ng langis.

Nasa 70 centavos ang nabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at 50 centavos naman ng presyo ng kada litro ng diesel.

 

Read more...