Suportado ng Palasyo ng Malakanyang ang desisyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na panandaliang itigil muna ang pagpapadala ng Filipino workers sa Israel.
Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng lumalalang gulo sa pagitan ng Israel at Palestine.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan kasing isipin ang kapakanan ng mga Filipino lalot tumitindi ang labanan sa pagitan ng dalawang bansa.
Habang naghahanda aniya ang pamahalaan sa pag-evacuate at pag-repatriate sa overseas Filipino workers sa Israel, mas makabubuting itigil na muna ang deployment.
“Suportado po ng Malakanyang ang naging desisyon ni Secretary Bello na panandaliang itigil muna ang pagpapadala ng mga OFW sa lugar ng Israel, sa Gitnang Silangan dahil nga po sa tumitinding labanan doon. Ito naman po ay para mapangalagaan na ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Syempre, habang naghahanda tayo na i-evacuate at i-repatriate an gating mga kababayan doon eh bakit tayo magpapadala ng mga bagong OFW. So, Suportado po ng Malakanyang ang pahayag ni Secretary Bello,” pahayag ni Roque.