Payo ng Palasyo sa mga Pinoy na mangingisda, ituloy ang pangingisda sa traditional fishing grounds sa WPS

By Chona Yu May 20, 2021 - 01:20 PM

Inquirer file photo

Pinayuhan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga Filipinong mangingisda na ituloy ang pangingisda sa traditional fishing grounds sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ng Palasyo matapos maghain ng protesta ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa fishing ban na ipinatupad ng China sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nandyan naman ang Philippine Coast Guard (PCG) na poprotekta sa mga mangingsida.

Sinabi pa ni Roque na walang extra-territorial application ang mga batas ng dayuhang bansa gaya ng ginawa ng China.

“Wala pong extra territorial application ang mga batas ng mga dayuhang bansa. So, dyan lang po kayo sa ating traditional na fishing grounds at nandiyan naman po ang ating Philippine Coast Guard para pangalagaan din po ang interesng ating mga mangingisda,” pahayag ni Roque.

TAGS: Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, West Philippine Sea, WPS issue, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, West Philippine Sea, WPS issue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.